ZAMBOANGA CITY – Bumuo ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ng task force dormitory na pamumunuan ng City Engineers Office, katuwang ang City Treasurer’s Office, upang magsagawa ng masusing inspeksiyon sa lahat ng dormitoryo at boarding house sa lungsod, partikular ang malapit sa mga eskuwelahan.

Sinabi ni Mayor Maria Isabelle Climaco na mag-iinspeksiyon ang task force bago at sa mismong pagsisimula ng klase, sa panahong masiglang-masigla ang mga nasabing establisimyento dahil sa mga estudyante sa kolehiyo na dumarayo sa siyudad.

Saklaw ng inspeksiyon ang pagtupad sa Fire at Building Code, kabilang ang Zoning Law.

Nabatid na 119 na operator ng mga boarding house at dormitoryo sa siyudad ang nag-apply ng renewal of business permit, pero 43 lamang ang naaprubahan, batay sa datos nitong Mayo 23.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Noong nakaraang taon, natuklasan ng task force na sa 70 boarding house at dormitoryo na nag-o-operate sa lungsod ay 28 lamang ang nakatutupad sa mga panuntunan. (Nonoy E. Lacson)