Mahalagang paigtingin ng mga bansa sa Asia Pacific ang pagtutulungan para sa cybersecurity, hindi lamang upang protektahan ang kani-kanilang pambansang seguridad kundi maging ang privacy ng kanilang mamamayan, ayon sa Malacañang.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. kaugnay ng pagtanggap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa panukala ng Pilipinas na magtatag ng isang cybersecurity group sa harap ng tumitinding pagsalalay ng mundo sa teknolohiya.

“We welcome the expression of support from the neighboring countries of the Philippines. It is important for countries to deepen cooperation in strengthening cybersecurity due to the rising violations and abuse by lawless elements of digital technology,” sinabi ni Coloma sa isang panayam sa radyo.

“These online security violations affect many fields, such as national security as well as livelihood and privacy of individuals,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinanggap kamakailan ng mga defense minister ng ASEAN ang panukala ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa pagtatatag ng cybersecurity working group, sa isang pulong sa Laos.

Ang bagong grupo ay itatatag alinsunod sa framework ng Asean Defense Ministers Meeting-Plus (ADMM-Plus).

Kabilang sa ASEAN dialogue partners ang Australia, China, India, Japan, New Zealand, Russia, at United States.

Kapwa pamumunuan ng Pilipinas at New Zealand ang cybersecurity working group simula sa 2017 hanggang 2020. - Genalyn D. Kabiling