Mark copy

LOS ANGELES – Idinemanda ang aktor na si Mark Salling, gumanap ng supporting role bilang high school athlete-turned-singer sa TV series na Glee, nitong Biyernes dahil sa pagtanggap at pagsasagawa ng child pornography, kinumpirma ng mga opisyal.

Pumayag ang 33 taong gulang na si Salling na muling bumalik sa Hunyo 3 upang harapin ang kasong isinampa sa korte sa Los Angeles, ayon sa statement ng U.S. Attorney’s Office ng rehiyon.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga kinatawan ni Salling, residente sa Los Angeles at maging ang kanyang abogado.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“The traditional stereotype about the kinds of people who commit child sexual exploitation crimes simply doesn’t dovetail with reality,” sambit ni Joseph Macias, isang special agent na nakatalaga sa Department of Homeland Security.

Idinagdag pa ni Macias na ang child pornography suspects ay maaaring “all ages and from all walks of life.”

Inaresto si Salling nang makatanggap ang mga imbestigador ng tip na siya ay sangkot sa child pornography, ayon sa pahayag ng pulis noong panahong iyon.

Ang laptop, hard drive at mobile flash drive na nakumpiska sa bahay ni Salling ay naglalaman ng libu-libong larawan at video ng child pornography, at patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon, ayon sa federal prosecutors. (Reuters)