SAM AT JULIA copy copy

TINEXT namin si Sam Milby noong Mayo 23 ng ‘happy birthday’ at ng isa sa wish namin para sa kanya na magkaroon ng acting award. Natuwa naman siya sabay text back ng, “Ha-ha-ha, sana po.”

Sampung taon na sa showbiz si Samuel Lloyd Lacia Milby at hindi pa siya nakakakuha ng award sa pagganap kaya wino-work out daw niya na sana ay mapansin din siya.

Pahulaan kung sino ang girlfriend ngayon ng actor, base na rin sa panunukso ng mga kaibigan niyang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson sa What You Want album launch ng una.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, patok na patok pa rin sa ratings game ang Doble Kara nina Julia Montes at Sam sa Kapamilya Gold. Last Tuesday, nagtala ito ng 19.8%, ang pinakabagong all-time high rating na naitala ng programa. (Reggee Bonoan)