Patay ang isang binata habang sugatan naman ang kanyang kaibigan matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, nitong Miyerkules ng gagbi.

Dead on arrival sa ospital si Rommel Delijero, 21, ng No. 3741 Estano Street, Barangay Tugatog, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan naman ng lunas si Efaraim Baladhay, 24, na tinamaan sa kanang paa.

Ayon kay SPO2 Benjamin Sy, dakong 11:00 ng gabi at nagkukuwentuhan ang magkaibigan sa Estano Street sa Bgy. Taniong, nang biglang dumating ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at pinaputukan ang mga biktima bago nagsitakas.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

May hinala ang pulisya na si Delijero ang pakay ng mga salarin at nadamay lamang si Baladhay.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang kay Delijero. (Orly L. Barcala)