SHEENA copy

NATATAWA si Sheena Halili dahil simula nang mabalitang break na sina Rocco Nacino at Lovi Poe at nalaman ng press people na single pa rin siya, itinutukso na naman siya sa binata.

Si Sheena kasi ang girlfriend ni Rocco bago nito nakarelasyon si Lovi, pero sabi niya, matagal na siyang naka-move on kay Rocco at wala na siyang balak makipagbalikan sa aktor at sure siyang wala ring balak si Rocco na makipagbalikan sa kanya.

Happy si Sheena kahit walang lovelife dahil walang nangyari sa panliligaw sa kanya ng isang businessman. Maghihintay na lang daw siya kay Mr. Right at sa ngayon, sa kanyang career siya naka-focus.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Saka na ang lovelife, magtatrabaho muna ako at masaya ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng GMA-7. Nakatutuwa dahil may soap akong Poor Señorita at host pa sa game show na Laff, Camera Action. Nagulat ako na ako ang napiling maging host ng show kasama si Betong, bagong challenge ito sa akin at pagbubutihin ko,” pangako ni Sheena.

Ngayong Sabado na, pagkatapos ng Wish Ko Lang ang premiere telecast ng Laff, Camera, Action na tinawag na “improvisational show” at magpapakita sa kahusayan ng mga komedyante.

Unang set ng contestant ang stand-up comedians na sina Pepay, Pepita Smith at Patricia Ymael versus grupo nina Doktora Beki Belo, Tetay at Candy Pangilinan.

Si Lotlot de Leon ang special celebrity guest performer na tutulong sa dalawang team sa one round of impromptu acting. Bawal ang paggamit ng props ng mga contestant, galing lang talaga ang kanilang ipakikita.

Special guest din si Eugene Domingo bilang director of the week. Sina Gladys Guevarra, Sef Cadayona at Direk Caesar Cosme ang judges. (Nitz Miralles)