Julia Montes (3) copy copy

PATULOY na nangunguna at hindi natitinag ang Kapamilya afternoon series na Doble Kara bilang numero unong teleserye sa hapon sa muli nitong paghataw sa national TV ratings kamakailan.

Nanatili pa ring pinakapinanood na palabas ng urban at rural viewers sa hapon ang seryeng pinagbibidahan ni Julia Montes at madaling tinalo ang mga katapat na palabas sa pagtala nito ng all-time high national TV rating na 19.8% noong Martes (May 24), ayon sa viewershiop survey ng Kantar Media. Ito rin ang pinakabagong all-time high rating na naitala ng programa.

Samantala, tuluyan nang natanggap ni Kara (Julia) ang pagkawala ng kanyang anak na si Isabella. Ngunit nawala man ang anak, makikilala naman niya ang batang si Hannah sa ampunan na kanyang pinapasukan.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sasabay sa mga pagbabago sa buhay ni Kara ang mga panibagong pagsubok na haharapin ni Sara ngayong malaki na ang anak niyang si Rebecca.

Makayanan pa kaya ni Sara ang hirap ng buhay nang mag-isa? Paano kaya mababago ni Hannah ang buhay ni Kara?

Huwag palampasin ang nangungunang Doble Kara, tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.