VICTORIA, Tarlac - Naglunsad kahapon ng malawakang manhunt ang mga operatiba ng Victoria Police laban sa isang manyakis na nanghalay sa isang dalagita sa bakanteng lote ng Barangay Sta. Lucia sa bayang ito.

Ayon kay PO1 Catherine Joy Miranda, pinagbantaan pa ng suspek na papatayin ang 13-anyos na biktima kapag nagsumbong sa awtoridad.

Napag-alaman na dakong 3:00 ng hapon at nakatayo ang dalagita sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek at sinabing may inorder na semento ang ama ng dalagita kaya nakumbinse ang huli na sumakay sa tricycle na minamaneho ng suspek.

Dinala ng suspek ang dalagita sa bakanteng lote sa Bgy. Sta. Lucia at hinalay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog