Nadine at James

PANALO sa JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre ang nag-viral na video ng dalawa na naglalambingan.

Kinilig ang supporters nila sa mahigpit nilang yakapan na sabi’y dahil ‘yun sa ilang araw silang nagkahiwalay.

Pero may mangilan-ngilang kontrabida sa JaDine dahil hindi sila kinilig at kundi parang nainis pa sa napanood na video. May mga gusto lang mang-asar at ini-insist na pang-promo lang ang relasyon ng dalawa na siyempre, ayaw tanggapin ng JaDine fans.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagtapos ang video nang makita ni James na kinukunan sila ng video at dumila.

Isinumbong ni James kay Nadine na may kumukuha ng video sa kanila, kaya ang ginawa ni Nadine ay isinara ang pintuan ng room na kinaroroonan nila. –Nitz Miralles