Nagpahayag kahapon ng kasiyahan ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang political wing ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa plano ni incoming president Rodrigo Duterte na pagkalooban ng general amnesty ang lahat ng political prisoners sa bansa.

Sa isang panayam sa radyo nitong Miyerkules, sinabi ni NDFP chairperson Luis Jalandoni na magpapalakas sa kanilang kumpiyansa ang binitawang pahayag ni Duterte at maaaring magreresulta sa ceasefire at pagpapatibay sa peace agreement.

“Natutuwa kami na sinabi ni president-elect Duterte na magkakaroon ng general amnesty declaration ‘pag siya ay presidente na para mai-release itong mga political prisoner,” wika ni Jalandoni. “Malaking bagay ito para makamit ang peace and national unity.”

Batay sa talaan ng grupong Karapatan, nasa 543 ang political prisoners sa bansa. (Fer Taboy)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'