Humina ang cash remittance ng mga overseas Filipino nitong Marso.

Sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 1.5 porsiyento ang cash remittances sa ikatlong buwan ng taong ito sa $2.42 billion, mas mababa sa 9.1% pagtaas ng sinundang buwan at sa 15.9% pagtaas sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Lumago ng 1.4% ang kabuuang halaga na $2.68 billion, kabilang ang in-kind remittances, ngunit mas mabagal kumpara sa 9% sa nakaraang buwan at sa 15.5% noong Marso 2015.

Sa loob ng tatlong buwan, umangat ang cash remittance ng 4.45% sa $ 6.56 billion, mas mabagal kaysa sa 6.2% noong nakaraang Pebrero at nakaraang taon na 9.8% paglago.

Ina ni Sandro Muhlach sa bashers ng anak: 'Be mindful!'

Ang total remittance ay lumago ng 4.3% sa $ 7.24 billion, mas mabagal kaysa sa 6.1% noong nakaraang buwan at 9.4% mula sa katapusan ng unang apat na buwan ng 2015.

Mahigit three-fourths ng cash remittance ay mula sa United States, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Hong Kong, United Kingdom, Japan, Qatar, at Kuwait. (Mina Navarro)