Mayo 17, 1970 nang simulan ng ethnologist ng Norway na si Thor Heyerdahl, kasama ang mga tripulanteng may magkakaibang nasyonalidad, ang paglalayag sa Atlantic Ocean mula sa Morocco sakay sa isang papyrus boat na tinawag na “Ra II”, upang mapatunayan na naglayag ang mga sinaunang mamamayang Mediterranean sa lupain ng Amerika at nakihalubilo sa mga katutubo ng Central at South America.

Nagtapos ng zoology at geography sa University of Oslo, naniwala si Heyerdahl na posibleng nagmula sa South America ang ilang Polynesian. Upang patunayan ang kanyang teorya, dumating sa Polynesia si Heyerdahl at ang maliit niyang grupo makaraan ang 101 araw ng paglalayag, noong 1947.

Kabilang din sa mga teorya ni Heyerdahl ang pagkakapareho ng kultura ng mga sinaunang sibilisasyong Egyptian at Mexican. Noong 1969, binuo niya ang 45-talampakan ang habang modelo ng isang sinaunang bangkang papyrus ng Egypt.

Sa loob ng 57 araw, bumiyahe ang “Ra II” ng 4,000 milya sa dagat patungong Barbados. Isinalaysay ang paglalakbay na ito sa librong “The Ra Expeditions” noong 1970s, bukod pa sa isang documentary film.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!