Assunta de Rossi - MM copy

MASAYA si Assunta de Rossi na pagkaraan ng halos labingtatlong taon, nakabalik na muli siya sa GMA Network.

Nagsimula rin naman siya rito in 2003 at marami siyang nagawang projects, pero as freelancer ay nakagawa rin siya ng mas maraming projects sa ibang networks.

“Nakakatuwa na ang ini-offer sa akin ng GMA itong may pagkatelefantasiya, ang Magkaibang Mundo,” simulang kuwento ni Assunta nang makausap naming sa press launch ng TV series. “At tiyak na aktingan ito dahil makakasam ko si Ms. Gina Alajar. Siguro nakita ninyo ang aming full trailer at kung paano niya kami sinasaktan ng anak kong si Princess (Louise delos Reyes). Malaking challenge sa amin ito ni Louise.”

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Biniro si Assunta kung bakit nag-aartista pa siya samantalang kayang-kaya naman siyang buhayin ng asawang si Cong. Jules Ledesma ng Negros Occidental plus may mga hacienda rin ang pamilya nito.

“Ayaw ko, gusto ko talagang umarte. I’m an artist, it keeps my sanity. Kung wala akong ginagawa, baka maloka ako.

May nagsabi nga sa akin, kung nabu-bore lang ako, bakit hindi ako mag-aral ng culinary arts. Ayaw ko, kasi hindi naman ako mahilig magluto, acting talaga ang gusto ko.

“Passion ko na ang pag-arte kaya kahit I’m overpaid or underpaid, ibibigay ko talaga ang performance na kailangan nila sa akin. Kahit piso nga lang ang ibayad sa akin, basta maganda ang role na gagampanan ko, no problem sa akin.

Kahit mga indie films na libre lang, tatanggapin ko pa rin.”

Ganoon ba niya kamahal ang pag-aartista niya?

“Oo, kasi ayaw kong pagsisihan nila kung bakit pa nila ako kinuha, hindi ko naman pala kaya. Isa pa, you know, napaka-competitive talaga ng mundong ito, di ba? I can be replaced anytime. So, personally, gusto ko pa namang magtagal. I think marami pa naman akong maio-offer bilang artista. Marami pa akong gustong makasamang artista, tulad dito, ngayon ko lamang nakakasama sina Louise at ang leading man niyang si Juancho Trivino, even si Dion Ignacio at may special participation dito si Gabby Eigenmann na gumanap na asawa ko at ama ni Princess. Then si Maricar de Mesa, Isabelle de Leon at mga new talents ng GMA na sina Liezl Lopez, Marika Sasaki at introducing dito ang international young dancing sensation na si Balang.”

Ayaw makialam ni Assunta sa pagpapalakad ng hacienda ng pamilya ni Jules at bahala na raw doon ang asawa, basta sa acting lang siya.

Sa Lunes, May 23, ang premiere telecast ng Magkaibang Mundo na first TV directorial job ni Mark Sicat de la Cruz, pagkatapos ng Eat Bulaga sa Afternoon Prime ng GMA-7. (NORA CALDERON)