RIO DE JANEIRO (AP) — Ginapi ni American Stipe Miocic si Brazilian star Fabricio Werdum sa harap ng dismayadong home crowd para angkinin ang UFC heavyweight championship.

Ginamit ng American fighter ang bilis at lakas para mapabagsak ang karibal sa unang round ng kanilang duwelo sa UFC 198 nitong Sabado, (Linggo sa Manila) sa Curitiba, Southern Brazil.

Naipanalo ni Miocic, pambato ng Ohio, ang anim sa huling pitong laban, para tanghaling kauna-unahang UFC world champion mula sa Cleveland.

Matikas din ang marka ni Werdum na galing sa limang sunod na panalo, tampok ang panalo kontra kay Mark Hunt para sa interim title at via submission win kontra Cain Velasquez sa unification bout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Orihinal na nakatakda ang laban noong Pebrero, ngunit umatras si Werdum bunsod ng injury.

Ginanap ang laban sa sold-out crowd 45,000 seating-capacity na Arena da Baixada.