MARIEL_USE THIS PLS copy

BUKOD sa ilang malalapit na kaibigan, sa comedian-host-talent manager na si Ogie Diaz nag-confide ang It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez tungkol sa muli niyang pagdadalantao.

Kaya si Ogie ang naka-scoop ng good news from Robin Padilla’s wife. Nitong nakaraang Huwebes ng madaling araw, ibinahagi ito ni Ogie sa kanyang Instagram account. Sabi niya sa kanyang tweet:

“Wow! Buntis pala uli si @marieltpadilla! Congrats, mare! Yan na yun!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito bale ang pangatlong pagbubuntis ni Mariel. Nauwi sa miscarriage ang naunang dalawa. March 2015 noong unang makunan si Mariel. Sa pangalawang pagbubuntis August last year, na triplets sana, nakunan din ang TV host.

Wish ng lahat na magtuluy-tuloy na ang pagdadalantao ni Mariel this time. (ADOR SALUTA)