NEW YORK (AP) — Sinuspinde ng 50 laro si Kansas City Royals infield prospect Raul Mondesi matapos magpositibo sa ipinagbabawal na gamot na Clenbuterol.

Ipinahayag ang parusa nitong Martes (Miyerkules sa Manila), bilang bahagi ng kasunduan ng Major League Baseball at Player’s association.

Sa kabila nito, may tsansang pang makalaro sa postseason si Mondesi.

“I took an over-the-counter medication (Subrox-C), which I bought in the Dominican Republic to treat cold and flu symptoms,” pahayag ni Mondesi sa opisyal na press statement na inilabas ng union.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

“I failed to read the labeling on the medication or consult with my trainer or team about taking it and did not know it contained a banned substance. ... It is solely my mistake, and there are no excuses for my carelessness in not being fully informed of what I put in my body.”

Ang 20-anyos na si Mondesi ay anak ni dating NL Rookie of the Year Raul Mondesi. Tinanghal siyang kauna-unahang batang player na nag-debut sa World Series sa nakalipas na season.

Bunsod ng suspensiyon, mababawasan siya ng US$11,311 sa kanyang US $41,400 suweldo sa minor league. Sakaling maitaas sa major league, babayaran siya ng minimum $507,500.

Ginagamit ang ‘Clenbuterol’ para magamot ang pananakit ng tiyan.

Noong 2012, napatawan ng 100 laro suspensiyon si New York Mets reliever Guillermo Mota dahil dito.