Isang hindi nakikilalang lalaki, na umano’y drug pusher ang pinagbabaril ng katransaksiyon nito sa illegal na droga sa Port Area, Manila nitong Linggo ng hapon.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima na inilarawang nasa edad 30-35 anyos, may taas na 4’10”, payat, nakasuot ng gray na pantalon at dilaw na sweat shirt.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 4:00 ng hapon sa B-9 Old Site, Baseco Compound, sa Port Area.

Nakumpirma ng pulisya na may kinalaman sa transaksiyon ng ilegal na droga ang krimen batay sa dalawang cellphone na nakuha sa pantalon ng biktima.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Ayon kay Layugan, nakasaad sa text message na, “Andito na ko, dala ko na yong 50 gramo, magdala ka ng timbangan,” na pinaniniwalaang mensahe ng biktima sa suspek. (Mary Ann Santiago)