LLANERA, Nueva Ecija - Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 65-anyos na lalaki makaraang masawi nang aksidenteng araruhin ng rumaragasang Nissan Urvan ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Rizal-Pinagpanaan Provincial Road sa Barangay Inanama sa bayang ito, umaga nitong Sabado.

Kinilala ng Llanera Police ang nasawi na si Carlito Quintos, ng Bgy. Bubolong, San Ildefonso, Bulacan habang boluntaryong sumuko sa pulisya si Reynaldo Openiano y Ramos, 56, driver ng Nissan Urvan (XCV-572).

Sa imbestigasyon ni PO3 Alex Caspillan, dakong 7:30 ng umaga, sakay ang biktima sa kanyang Kawasaki Bajaj at saglit na huminto sa gilid ng kalsada para kausapin ang tumatawag sa kanya sa cell phone ngunit biglang dumaan ang van at aksidenteng nahagip si Quintos, na tumilapo. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito