Inatasan ni Court Administrator Justice Jose Midas Marquez ang mga executive judge ng mga regional trial court, metropolitan trial court, at municipal trial court na pumasok sa trabaho ngayong Lunes, araw ng eleksiyon.

Sakop din ng nasabing kautusan maging ang mga hukom at clerk of court ng mga single sala regional trial court, metropolitan trial court, at municipal circuit trial court.

Ayon kay Marquez, ito ay para makatugon ang mga hukuman sa mga kasong may kinalaman sa eleksiyon ngayong Lunes.

Ipinag-utos din ang skeletal force ng mga clerk of court na tatanggap ng court fees at cash bonds kaugnay ng mga election offense. - Beth Camia

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter