Mayo 6, 1994 nang opisyal na buksan ang English Channel, na nag-uugnay sa Folkstone England at Sangatte, France, sa seremonyang pinangunahan nina Queen Elizabeth II ng England at noon ay French President Francois Mitterand.
Naglakbay ang Reyna mula sa Waterloo Station sa London sa pamamagitan ng mabilis na Eurostar train, habang dumating naman si Mitterand mula sa Gard du Nord sa Paris.
Walong taong binuo ang English Channel, at ginastusan ng $16 billion. Ang tunnel ay nagsilbing unang lupa na nag-uugnay sa United Kingdom at France simula pa noong huling Ice Age, at ginawang 35 minuto na lang ang paglalakbay sa pagitan ng dalawang bansa.
Si Engineer Albert Mathieu ang unang nagplano sa pagpapatayo ng tunnel noong 1802, at si Colonel Beaumont ang unang kumilos para maipatayo ito noong 1880.