Napanatili ng Adamson ang matikas na kampanya nang pabagsakin ang St. Jude Catholic School, 108-40, para sa ikaapat na sunod na panalo at makopo ang solong pangunguna sa 9th Philippine Chinese Amateur Basketball League Freego Cup nitong weekend sa Philippine Buddhacare Academy gym sa Quezon City.

Pumagaspas ang Baby Falcons sa matinding 31 puntos, habang nalimitahan ang Judenites sa anim na puntos sa first quarter para madagit ang dominanteng panalo.

Sa kasalukuyan, ang 68-point margin ang pinakamalaking bentahe sa isang panalo ng koponan sa torneo.

Kumubra sina Forthsky Padrigao at Freego Player of the Game Gerry Abadiano ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Adamson.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi naman ng Hope Christian, sa pangunguna nina Miguel Quiambao at Mac Jacob, ang La Salle-Greenhills, 73-68, para mahila ang marka sa 2-2 sa torneo na itinataguyod ng Smart, Jumbo Plastic Linoleum, Hapee Toothpaste, Insular Square Cebu, at New Pioneer Auto Supply Cebu.

Sa iba pang laro, nakamit ng reigning UAAP champion National University ang ikatlong panalo sa apat na laro nang gapiin ang Arellano University, 94-71, habang namayani ang University of the Philippines sa Jose Rizal University, 95-87.

Nanguna sina Juan Gomez de Liano at Jaggi Gregorio sa Junior Maroons sa naiskor na 27 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.