SAN JOSE, Tarlac - Malaking halaga ng sasabunging manok ang kinulimbat ng mga kilabot na “cocknapper” na nambiktima sa Atupag Farm sa Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac.

Natangay sa farm ni Engr. Melanio Atupag, 43, may asawa, ang 13 sasabungin na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P65,000.

Sa imbestigasyon ni PO2 Antonio Calo, Jr. nangyari ang pagnanakaw dakong 4:00 ng umaga kahapon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog