Nabuhayan ng loob ang Malacañang matapos umarangkada si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa huling survey ng ABS-CBN Pulse Asia.

Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manuel Quezon III na umangat sa survey ang tambalang Roxas at Leni Robredo dahil sa mga isyu sa integridad na bumubulabog sa kanilang mga katunggali.

Sa kabila ng pamamayagpag pa rin ni PDP-Laban candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa huling Pulse Asia survey, sinabi ni Quezon na nahaharap naman ito sa kontrobersiya ng umano’y multi-milyong pisong bank deposit na hindi idineklara sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng alkalde.

Hindi rin nababahala ang Palasyo kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatiling Number One sa mga vice presidentiable.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

“Roxas is rising, statistically tied with Senator Poe as she and the Vice President (Jejomar Binay) continue to lose ground,” ayon kay Quezon.

Base sa huling survey ng Pulse Asia survey na isinagawa nitong Abril 19-24, nangunguna si Duterte na may 33 porsiyento; sinundan ni Poe, 22 porsiyento; Roxas, 20 porsiyento; Binay, 18 porsiyento; at Sen. Miriam Defensor Santiago, dalawang porsiyento.

Sa naturang survey, nangunguna pa rin si Marcos na may 31 porsiyento; sinundan ni Robredo, 26 porsiyento; Sen. Francis “Chiz” Escudero, 18 porsiyento; Sen. Alan Peter Cayetano, 15 porsiyento; Sen. Antonio Trillanes IV; at Sen. Gregorio Honasan, dalawang porsiyento.

“As decision day nears, more and more are realizing this is a battle between those who would bring out the worst in us versus those who would bring out the best in us,” ayon kay Quezon. (MADEL SABATER NAMIT)