Bea at Gerald copy

HINDI si John Lloyd Cruz kundi si Gerald Anderson ang sunod na leading man ni Bea Alonzo. Nag-meeting na ang dalawa sa kanilang storycon kasama si Dan Villegas na siyang magdidirehe ng wala pang title na pelikula under Star Cinema.

Dahil sa pagtatambal ng dalawa, nabuhay na naman ang tsikang there was a time na nanligaw si Gerald kay Bea o naging sila na dahilan daw kaya nagalit si Kim Chiu kay Gerald.

Pero mas marami ang kinikilig sa pagtatambal nina Bea at Gerald at magkatabi pa nga lang sa picture nang sila’y magkita, kinakitaan na ng chemistry. Bagay na bagay daw ang dalawa for reel and for real.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nag-comment nga na dahil parehong single ngayon sina Bea at Gerald, baka finally, mauwi na sa totoong relasyon ang kanilang pagtatambal. Walang fans na magagalit dahil wala na ngang ka-love team si Gerald at si Bea naman ay bumabagay kahit sino ang nakakapareha. (NITZ MIRALLES)