Iniimbestigahan ngayon ng Makati City Police ang pagkamatay ng isang babaeng call center agent na natagpuang naaagnas nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Angelica Encina, 22, residente ng Block 248, Lot 4, Universe St., Barangay Pembo, Makati City. Pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na kinilala sa alyas na “Allan”, nasa hustong gulang, live–in partner ng biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Alfred Reyes, ng Homicide Section ng Makati Police, dakong 7:30 ng umaga ng Abril 26, nang matagpuan ang bangkay ni Encina sa inuupahang bahay sa 7257 J. Victor St., Bgy. Pio Del Pilar.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na madalas sinasaktan ng suspek ang biktima kapag sila ay nagtatalo at posibleng inumpog sa pader ang ulo nito nang tangkaing makipaghiwalay sa kinasama. (Bella Gamotea)

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!