Tulad ng inaasahan, magaan na pinabagsak ng Team Philippines Batang Gilas ang Singapore, 87-52, nitong Martes ng gabi upang makausad sa championship round ng Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Under-18 Championship sa Medan, Indonesia.

Anuman ang maging kampanya sa championship, pasok na ang Batang Gilas bilang kinatawan ng Southeast Asia sa 2016 Fiba-Asia Championship na gaganapin sa Iran.

Hataw si John Bryle Bahio ng San Beda sa 16 na puntos para sandigan ang Batang Gilas sa ikaapat na sunod na panalo. Nag-ambag si Peter Alfaro sa nakubrang 12 puntos.

Umarya ang Batang Gilas sa 20-9 bentahe na hindi na nagawang habulin ng Singaporean.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Haharapin ng Pinoy ang Indonesian side sa huling laro sa preliminary sa Miyerkules ng gabi.

Iskor:

Philippines (87) — Bahio 16, Alfaro 12, Sinclair 11, Flores 10, Tibayan 9, Nelle 9, Mendoza 8, Mamuyac 4, Gozum 4, Madrigal 4, Yu 0.

Singapore (52) — X. Sim 9, Q. Yeo 9, V. Raj 9, M. Manaf 8, Z. Tng 4, Z. Sim 4, W. Lim 3, M. Borhan 3, W. Lim 3, Y. Ang 0.

Quarters:

25-15, 43-21, 72-40, 87-52.