rio copy

MADRID (AP) — Karagdagang security personnel ang itatalaga ng Rio Olympics organizer para masiguro ang seguridad ng mga kalahok, higit yaong mga atleta na titira sa labas ng Olympic Village sa kaganapan ng Rio de Janeiro Games.

Ayon kay Andrei Rodrigues, head ng security for special events, nakatuon ang kanilang pansin sa pagpapalakas ng security matapos ipahayag ng mga pamosong atleta, tulad ni tennis star Rafael Nadal, na manunuluyan ang mga ito sa tahanan ng mga kaanak at kaibigan sa labas ng Athletes Village.

Ngunit, sa kanyang mensahe sa Twitter, itinanggi ni Nadal na may ganon siyang plano.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sinabi rin ni Rodrigues na karamihan sa mga golf participants ang manunuluyan sa mga hotel kung kaya’t inaasahan nila ang “secutiry nightmare” sa Games.

“Any action out of the ordinary will obviously prompt greater concern,” pahayag ni Rodrigues sa panayam ng Associated Press.

“We would need to come up with a secondary operation, so that is a concern to us, obviously. It would be more comfortable for us if all athletes stayed in the village and travelled from there to the training venues and to the competition venues.”

Nakatakda namang mamalagi ang US men’s at women’s basketball team – binubuo ng mga multi-millionaire player – sa bagong gawang port area na tinawag na Museum of Tomorrow.

Iginiit ni Rodrigues na binatay lamang umano niya ang pahayag hinggil kay Nadal sa impormasyon ng committee.

“The information we received from the committee is that he will be staying at a residence,” sambit ni Rodrigues.

Isa si Nadal sa pinagkakaguluhang atleta sa Olympic Village noong 2008 sa Beijing kung saan napagwagihan niya ang gintong medalya. Sa Athletes Village din tumuloy ang 14-time Grand Slam winner noong 2004 sa Athens. Hindi siya lumaro sa 2012 London Games dahil sa injury.

“The athletes are the VIP clients of the games,” sambit ni Rodrigues.

“They are the stars and they have to shine, so obviously we need to make sure that they have all the conditions to compete, and for that to happen we need to keep them safe.”