Andre and Barbie (4) (1) copy

MAPAPANOOD ngayong finale week sa istorya nina Maru at Bryan o ‘MaBry’ na ginagampanan nina Barbie Forteza at Andre Paras sa That’s My Amboy na hindi na nila mapigilan ang kanilang nararamdaman habang lalo pa nilang nakikilala ang isa’t isa.

Sa ilang buwang pagsasama sa taping ng kanilang TV series, marami ring nalaman sina Barbie at Andre mami-miss nila sa isa’t isa.

“She is a person who makes everyone happy and at the same time you will enjoy your work because she is very makulit,” kuwento ni Andre.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Para naman kay Barbie, bukod sa kakulitan din at kawerduhan, lagi niyang maaalala si Andre kapag may kape.

“Because he becomes extra hyper when he drinks one,” pambubuking ng young actress.

Pareho silang nagpapasalamat na nagkasama sila sa That’s My Amboy the dahil parehong nagkaroon ng growth ang kanilang career dito.

Ayon kay Barbie, marami siyang memorable experiences sa entire production ng serye. Bukod sa nag-aral at natuto na siyang magmaneho ng sasakyan, dahil may eksena siyang nagda-drive na kailangang kunan, natuto rin siyang seryosohin ang kanyang acting career at ang lahat ng eksena niya.

“All thanks to Bb. Joyce (Bernal), I learned how to really understand the script and follow the scene’s objective and emotion,” wika ni Barbie.

Para kay Andre, ang That’s My Amboy ay hindi lang serye tungkol sa love story nina Maru at Bryan kundi pakikipagtrabaho rin sa mahuhusay na cast at direktor.

“I learned to trust everyone and just have fun with what you’re doing because that’s what will translate on screen,” sabi ng binata.

Alamin kung ano ang kahihinatnan ng ‘kilig’ love story nina Maru at Bryan sa That’s My Amboy. Magkakaroon ba sila ng second chance para mahalin ang isa’t isa o maghihiwalay na lamang?

Panoorin ang huling linggo ng That’s My Amboy pagkatapos ng Poor Señorita sa GMA Telebabad.