Patay ang isang pinuno ng tribu makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), sa Manila de Bugabos, Butuan City sa Agusan del Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Senior Insp. Ronald Orcullo, hepe ng Butuan City Police Office-Homicide Section, ang biktimang si Jose Paragua, na mas kilala sa tawag na Datu Puti, na pinagbabaril ng tatlong tao na sakay sa motorsiklo sa Sitio Sta. Cruz sa Bgy. Manila de Bugabos.

Ayon sa pulisya, isa sa binubusisi ng imbestigasyon ang posibleng pagkakasangkot ng NPA sa krimen, dahil walang criminal record si Paragua. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito