MONACO (AP) — Nakatakdang ilabas ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) Council ang desisyon hingil sa kapalaran ng Russian track and field sa gaganaping pulong sa Hunyo.

Sa pormal na pahayag ng IAAF nitong Biyernes (Sabado sa Manila), nakatakda ang Coucnil meeting sa Hunyo 17 sa Vienna, Austria.

Nananatiling ‘banned’ ang Russia sa paglahok sa international track and field, kabilang na ang Rio Olympics matapos masuspinde ang Russian federation noong Nobyembre bunsod ng alegasyon na nagkaroon ng pandaraya sa doping test na isinagawa ng World Anti-Doping Agency panel.

Sinuspinde rin ang Russian anti-doping agency matapos pumutok ang iskandalo. Sa kasalukuyan, ang UKAD ng Britain ang nagsasagawa ng doping test para sa Russian athletes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsagawa na nang paglilinis ang Russia at umasa silang maaalis ang suspensiyon bago ang Rio Olympics.