Abril 22, 1976 nang ipakilala ng sikat na “ABC Evening News” ang unang babaeng television news anchor sa Amerika, si Barbara Walters, na noon ay 47 taong gulang. Siya ay pinagkalooban ng limang-taong kontrata na may taunang talent fee na $1,000,000, ang pinakamataas na suweldo ng babaeng mamamahayag noong panahong iyon.

Kilala rin si Walters bilang sikat na co-producer at co-host ng “The Today’s Show” ng NBC, na isa sa mga news program sa Amerika na may pinakamatataas na rating, dahil sa mga ekslusibong niyang panayam.

Ipinakilala ni Walters ang sarili bilang isang seryosong mamamahayag, at dahil sa kanyang kasarian ay nagawa niyang makapanayam si Fidel Castro at ang iba pang malalaking pangalan.

Mayo 16, 2014 nang magretiro siya bilang ABC broadcast journalist, matapos ang mahigit limang dekada sa industriya.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito