NGAYONG araw, 4:00 PM, ang opening ceremonies ng Sinag Maynila Film Festival 2016 sa Samsung Hall ng SM Aura.

Pangalawang taon pa lamang ng Sinag Maynila filmfest na produced ng Solar Films ni Wilson Tieng at ng Centerstage Productions ni Brillante Mendoza (festival director), pero dahil sa kalidad ng mga pelikulang kalahok ay malakas agad ang impact nito sa indie film community.

Pagkatapos ng opening ceremonies ay tutuloy ang event sa screening ng opening film na pinamagatang Human, documentary film ng isang French filmmaker.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

At simula bukas hanggang April 26, palabas na ang limang official entries ng Sinag Maynila 2016:

Lila – psychological horror, starring Janine Guteirrez at Enchong Dee, directed by Gino Santos..

Mrs – drama, tampok sina Elizabeth Oropesa, Rosanna Roces, at Lotlot de Leon, kasama sina Anita Linda at Mark Herras, directed by Adolfo Alix, Jr.

T.P.O. (Temporary Protection Order) –tungkol sa domestic violence na advocacy sa mga pelikula ng director na si Joselito Altarejos. Bida sina Mara Lopez, Oliver Aquino, at ang child actor na si Micko Laurente.

Expressway – “action noir” kung ilarawan ng direktor nitong si Ato Bautista, bida sina Alvin Anson at Aljur Abrenica.

Dyamper – sumasalamin sa nangyayari sa totoong buhay sa Nueva Vizcaya, ang probinsiya ng direktor na si Mes de Guzman, tungkol sa kabataang sumasampa sa mga trak ng bigas upang magnakaw.

Limang SM cinema branches ang sumusuporta sa pagpapalabas ng Sinag Maynila films – SM Megamall, SM North Eda, SM Mall of Asia, SM Aura Primer, at SM Manila. Simula last year ay naging maganda na ang partnership ng SM Cinemas sa Sinag Maynila.

Nasa website at Facebook page ng Sinag Maynila filmfest ang screening schedule.

Ilan sa award-winning films na produkto ng Sinag Maynila sa unang taon nito ang Imbisibol ni Lawrence Fajardo na nakaikot na sa ilang international film festivals at ang Bambanti ni Zig Dulay na humakot ng awards sa PMPC Star Awards for Movies ngayong taon. (MELL NAVARRO)