Nasa kustodiya ng Muntinlupa City Police ang isang jeepney driver makaraang ireklamo ng panghahalay sa dalawang kolehiyala.

Kinilala ang suspek na si Michael Francisco, 29, nakatira sa Purok 7 Extension, Waling-Waling Street, Barangay Tunasan ng naturang lungsod. Nahaharap ngayon si Francisco sa kasong grave threat, na may kaugnayan sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Inireklamo ang suspek nina “Liza”, 18; at “Laura”, 17, kapwa residente ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 6:10 ng gabi nitong Lunes nang dumulog sa pulisya ang dalawang biktima kasama ang kanilang magulang upang ireklamo ang umano’y panggagahasa ng suspek noong Abril 14, dakong 2:00 ng umaga, sa Golden Gate Inn sa National Road, Santa Rosa, Laguna.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nabatid na nag-text ang suspek sa isa sa mga biktima na magkita sila sa isang fast food chain sa loob ng Festival Mall sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, kaya nagkasa ng operasyon ang awtoridad at naaresto si Francisco.

(Bella Gamotea)