James copy

“IT’S going to be a true epic saga,” ayon sa filmmaker.

Surprise guest si James Cameron sa Fox’s presentation sa CinemaCon sa Las Vegas nitong nakaraang Huwebes at inihayag na magiging apat na ang sequel ng Avatar, at hindi katulad ng mga naunang pahayag na tatlo lamang, ayon sa The Hollywood Reporter. “We have decided to embark on a truly massive cinematic process,” sabi ni Cameron.

Ang dahilan kung bakit mas pinahaba at dinagdagan ng sequel ang pelikula ay dahil hindi mapagkasya sa tatlong bahagi ang kuwento.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

“We began to bump up against the limitations of our art form,” paliwanag ni Cameron.

Aniya, target nila na mailabas ang Avatar 2 sa Pasko ng 2018. At ang tatlo pang sequel ng pelikula ay ilalabas naman sa 2020, 2022, at 2023.

“I’ve been working the last couple of years with a team of four top screenwriters to design the world of Avatar going forward: The characters, the creatures, the environment, the new cultures.

“So far, the art I’m seeing is, in pure imagination, really far beyond the first film,” ani Cameron. “It’s going to be a true epic saga.”

Ang Avatar ang may hawak ng record bilang top domestic grossing film sa kasaysayan, na kumita ng $760.5 million nang ipalabas sa mga sinehan. Gayunman, nahigitan ito ng Star Wars: The Force Awakens, na kumita naman ng $760.6 million.

(RollingStone.com)