Naging makabuluhan hindi lamang sa mga siklistang Pinoy, bagkus sa programang pagyamanin ang cycling ang ginanap na 2016 Ronda Pilipinas.
Sa binagong format, taliwas sa tradisyunal na nakasanayan, hindi lamang mga professional kundi maging sa mga estudyante, lokal na atleta, at executive ang nabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang kahusayan at katatagan sa taunang “biking marathon”.
Sa loob ng tatlong buwan, tinahak ng ng mga siklistang Pinoy ang mga kalsada sa piling lalawigan sa Mindanao, Visayas at ang huling stage sa Luzon. Mahigit sa 3,000 kilometro ang distansiyang sinakop ng Ronda.
Sa mahigit 100 kalahok, nangibabaw ang mga premyadong rider na sina Ronald Oranza, Visayas leg champion at kasangga niya sa Philippine Navy-Standard Insurance na si Jan Paul Morales, kampeon sa Mindanao at Luzon stage.
Tinumbasan ng LBC Express, ang pinakamalaking kumpanya sa aspeto ng logistics at express delivery, ang sakripisyo ng mga riders sa ipinagkaloob na pagkilala at suporta.
“When we started Ronda, we had the goal of creating a serious and respected event that raised the level of competition for cycling in the country. It was also important for LBC to put the spotlight on the values that this entire initiative represented,” pahayag ni LBC Ronda Pilipinas project director at sports development head Moe Chulani.
“We’ve been hosting Ronda for six years now, and it continues to draw local athletes as well as international cyclists who fortunately, all share the same values as we do. And in the brief time that Ronda Pilipinas has existed, I truly believe that it continues—and will continue—to reflect the spirit of LBC to move things and move lives,” aniya.
Ipinahayag ni Chulani na mas malaki at mas malawak na sasakuping karera ang inihahanda ng LBC Express, sa pakikipagtulungan ng Philcycling, Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, TV5, Mitsubishi Motors Philippines, Versa Radio - Tech1 Corp., Standard Insurance, Maynilad, NLEX, ASG / National Sports, GoPro / Dans Bike, Garmin / Time Depot, Aliw Broadcasting Corporation, DWIZ, 97.9 Home Radio, Lightwater / Vitamin Boost and You C 1000, Reserve Tavern, Paseo de Sta. Rosa, Pueblo de Panay, Pueblo de Oro, Megaworld Iloilo Business Park, at Iloilo Bike Festival.