Ni JIMI ESCALA

sarah at matteoKAGAYA ng kasintahang si Sarah Geronimo, itinanggi rin ni Matteo Guidicelli ang isyung buntis diumano ng una.

Sabi ni Matteo, wala itong katotohanan at gawa-gawa lang ng mga tao ang makapanira lang ang intensiyon.

Itinanggi rin ni Matteo ang sinasabing malapit na silang magpakasal ni Sarah. Pareho raw silang busy ni Sarah sa kani-kanilang trabaho, dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tulad ni Sarah, itinanggi rin ni Matteo ang lumabas na isyung engaged na sila dahil buntis na nga raw ang kasintahan.

“Well, it us not true. Basta masaya kaming dalawa ngayon and everything is doing well and we’re very thankful,” sey ng aktor.

Pero inamin ni Matteo na nakita na niya ang babaeng papakasalan at gusto niyang makakasama habang buhay sa katauhan ni Sarah. Pero sa ngayon, hayaan na lang daw munang panahon ang magtakda kung anuman ang kahihinatnan ng relasyon nila.

“Kung anuman ang mangyari, eh, things happen for a reason. ‘Di naman kami nagmamadali. Kung doon talaga patungo, eh, doon talaga,” sey pa ng binata.

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang mag-isang pagpunta ni Sarah sa Cebu last Holy Week nang ipagdiwang ni Matteo ang kaarawan.

“Sa totoo lang, every Holy Week, eh, masaya sa Cebu at kami lang at pamilya ko ang madalas na magkakasama pero this time, since tumama rin sa mismong birthday ko, eh, we didn’t celebrate, I mean, walang big party. We just had good friends and family.

“Siyempre, Sarah was there and we opened a restaurant and it is doing very well,” pagmamalaki pa sa amin ni Matteo.