Mga laro ngayon
(Mall of Asia Arena)
8 n.u -- DLSU vs UE (m)
10 n.u. -- AdU vs Ateneo (m)
12 n.t. -- UP vs UST (w)
4:30 n.h. -- DLSU vs Ateneo (w)
Paghihiganti ang misyon ng defending champion Ateneo de Manila kontra sa mahigpit nilang karibal na De La Salle University sa muli nilang pagtatapat ngayong hapon sa pinakaabangang duwelo sa UAAP Season 78 women’s volleyball, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dinungisan ng Lady Spikers ang noo’y malinis na karta ng Lady Eagles, gayundin ang 24- game winning streak.
Inamin ni reigning MVP Alyssa Valdez , sentro ng depensang gagawin ng La Salle, ang pagnanais nilang makabawi.
“Andun talaga yung gigil and at the same time yung excitement,” sambit ni Valdez.
“We must stay focus, calm and happy inside and outside the court,” aniya.
Kapwa nakakasiguro ng twice-to-beat sa Final Four, inaasahan pa ring magiging dikdikan ang labanan ng Lady Eagles (11-2) at Lady Spikers (10-2) para pag-agawan ang No. 1 seeding tungo sa semis.
Sa unang laban, tatangkain naman ng University of the Philippines (7-5) na panatilihing buhay ang tsansang makapasok ng Final Four sa pagsagupa sa sibak nang University of Santo Tomas (5-8).
Mag- uumpisa ang unang laro ganap na 12:00 ng tanghali habang 4:30 ng hapon ang labanang Ateneo- La Salle.
Sa men’s division, magtatapat ang reigning titleholder Ateneo (12-1) at ang nag- iisang koponang tumalo sa kanila sa first round ang Adamson University (9-3) sa ikalawang laro ganap na 10:00 ng umaga kasunod ng salpukan ng mga eliminated nang De La Salle (4-9) at UE (0-13) sa ganap na 8:00 ng umaga. (Marivic Awitan)