RAMOS, Tarlac - Nabulabog ang ilang nag-iinuman sa Purok Mapalad sa Barangay Coral sa bayang ito matapos na magwala ang isang 65-anyos na lalaki at walang awang pinagbubugbog at pinagpapalo sa ulo ang isang binatilyo makaraang mabuwisit sa sintunadong pag-awit nito.

Ayon kay PO2 Erwin Estigoym, ang biktima ay 17-anyos na taga-Bgy. Coral, habang ang suspek ay ang kapitbahay nitong si Carlos Benitez, may asawa.

Dakong 10:30 ng gabi nitong Lunes, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilan nilang kaanak nang biglang umawit sa videoke ang binatilyo.

Napaulat na uminit ang ulo ng suspek sa narinig niyang pag-awit ng biktima kaya binugbog niya ito at pinagpapalo ng matigas na bagay sa ulo.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa report, sa tindi ng bugbog na inabot ng biktima ay isinugod siya sa Rivilla Hospital sa Paniqui, habang naaresto naman ang suspek. (LEANDRO ALBOROTE)