Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

8 n.u. -- NU vs DLSU (M)

10 n.u. -- Ateneo vs UE (M)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

2 n.h. -- Ateneo vs UE (W)

4 n.h. -- FEU vs AdU (W)

Pormal na makatuntong ng Final Four round ang target ng Far Eastern University sa pakikipagtuos muli sa Adamson ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 78 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Tatangkain ng Lady Tamaraws na muling makabalik ng Final Four round sa panalo kontra Lady Falcons sa alas-4 ng hapon .Mauuna ang laban ng defending champion Ateneo at University of the East ganap na alas-2:00 ng hapon.

Muling sasandigan ni coach Shaq de los Santos para makabawi sa Adamson sina Bernadeth Pons, Toni Rose Basas, Remy Palma, veteran setter Gyzelle Sy at rookie libero Ria Duremdes.

“Honestly speaking, meron pang ilalabas ang mga bata. Kailangan lang kaming maging consistent,” sambit ni Delos Santos.

“Masaya kami sa mga bata, ipinapakita nila na pinipinilit nilang kayanin lahat. Sobrang proud kami sa kanila,” aniya.

Hangad ng Lady Tamaraws na makabawi sa natamong 25-21, 25-17, 19-25, 23-25, 10-15 kabiguan sa Lady Falcons noong first round.

“Pero siyempre hindi ganun kadali yun.Bilog ang bola.Sabi ko nga sa mga players mas magiging mahirap ngayon ang laban,” ayon pa kay de los Santos na naniniwalang lalaban pa rin ang Adamson kahit out of contention na ito sa Final Four.

Sisikapin ng Lady Tams na tapusin ang eliminations sa winning note bilang puhunan patungong semis.

Kasalo sa kasalukuyanng La Salle Lady Spikers sa liderato taglay ang barahang 10-2 kung saan sigurado na sila ng twice-to-beat bonus sa Final Four, hindi pa rin magri- relax ang Lady Eagles ni reigning MVP Alyssa Valdez kontra sa bokyang Lady Warriors.

“Every game is important. Kahit anong game pa iyan, kahit anong team pa yan, kailangan talaga naming ibigay ang 100 percent namin. Matututo at matututo kami in every game. Manalo man o matalo, may errors man o wala,” ani Valdez.

Mauuna rito, tatangkain ng defending men’s titlist Ateneo na makopo ang No. 1 ranking sa Final Four sa pagsabak kontra UE ganap na 10:00 ng umaga matapos ang unang laro sa pagitan ng National Univsrsity at eliminated na ring De La Salle sa unang laro ganap na 8:00. (Marivic Awitan)