JERUSALEM (AP) – Giniba ng Israel military ang mga bahay sa West Bank ng tatlong Palestinian na pumatay sa isang Israeli security officer at seryosong sumugat sa isa pa sa Jerusalem noong Pebrero.

Nakumpleto ng Israel ang demolisyon nitong Lunes ng umaga. Ang tatlong lalaking Palestinian na nasa kanilang 20s ay bumunot ng baril at patalim at inatake ang dalawang babaeng opisyal sa security check, at napatay ang isang 19-anyos na opisyal. Napatay din sila ng Israeli officers sa lugar.

Sinabi ng Israel na ang demolisyon ay epektibong kasangkapan para mapigilan ang mga pag-atake, ngunit ayon sa mga kritiko ito ay katumbas ng collective punishment. Ang mga pag-atake ng mga Palestinian nitong nakalipas na anim na buwan ay ikinamatay ng 28 Israeli at dalawang Amerikano, habang 188 Palestinian ang namatay sa pagbaril ng mga Israeli.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'