Muling tumataas ang seismic activity level ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, nakapagtala ng 30 pagyanig sa bulkan sa nakalipas na 24 na oras.

Dahil dito, ipinaiiral pa rin ng ahensya ang alert level 1 status ng bulkan, na nangangahulugang hindi pinapayagang pumasok ang publiko, kabilang na ang mga turista, sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng bulkan.

Nilinaw naman ng Phivolcs na wala pang major volcanic activity ang Mt. Bulusan kaya wala pang dapat ikabahala ang mga residente. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito