Isang Filipino-American na nagngangalang Gail Minglana Martinez ang kabilang sa mga namatay sa terror attacks sa Brussels, Belgium noong Marso 22.

Kinumpirma ni United States Congressman Blake Farenthold ang pagkamatay ni Gail sa isang pahayag na inisyu noong Marso 30, 2016.

“My heartfelt condolences and prayers go out to the family of Mrs. Martinez, whose life was tragically cut short by the ISIS terror attack in Brussels,” sinabi ni Farenthold.

Ang 41-anyos na ina ay tubong Corpus Christi at anak ng isang retiradong U.S. Navy sailor na immigrant mula sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Pacific Daily News.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang kanyang asawa ay si Lt. Col. Kato Martinez, opisyal sa United States Air Force na nakaistasyon sa Europe, at ang kanilang apat na anak ay nananatili sa ospital dahil sa mga paso mula sa insidente sa Brussels International Airport.

Ayon sa NBC News, bumibiyahe sa buong mundo ang mag-asawa kasama ang militar at katatapos lamang magdiwang ng kanilang 21st wedding anniversary. (Ces Dimalanta)