Sa pamamagitan ng kanyang lagda, isinabatas ni Pangulong Aquino ang exemption ng mga may kapansanan o persons with disability (PWD) sa pagbabayad ng 12 porsiyentong value added tax (VAT) sa ilang produkto at serbisyo.

Marso 23 nang lagdaan ang Republic Act 10754 para sa VAT exemption ng mga may kapansanan.

Inamyendahan ng bagong batas ang Section 32 ng RA 7277, o ang Magna Carta for Persons with Disability, upang palawakin pa ang mga benepisyo at prebilehiyo ng mahigit isang milyong PWD.

Alinsunod sa batas, exempted na ang mga may kapansanan sa pagbabayad ng VAT sa transportasyon sa lupa, dagat at himpapawid (domestic lang); sa medical at dental fees; sa gamut; sa burol at libing; sa mga hotel, restaurant, at recreation center; sa sinehan, at sa iba pang lugar ng libangan.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Sa bisa rin ng RA 10754, magkakaloob ng insentibo sa mga taxpayer na nangangalaga sa kaanak na PWD.

(Genalyn D. Kabiling)