Tiwala si dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva na malaki ang maitutulong ng pag-endorso ng presidential candidate na si Senator Miriam Defensor-Santiago sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Idinagdag pa ng tinaguriang “TESDAman” na hinuhugot ni Santiago ang “staying power” nito sa pulitika sa matatag na uri ng liderato nito.

“Senator Miriam’s endorsement is a serious boon to any candidate. I am thankful for fitting her criteria as a future senator,” dagdag pa ng dating TESDA chief.

Napabilang si Villanueva sa inendorso ni Santiago na may hindi matatawarang humor at talino, dahil na rin sa makatotohanang pagganap nito sa tungkulin bilang kongresista at bilang dating pinuno ng TESDA.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Kapwa rin nila isinusulong ni Santiago ang paglilinis sa gobyerno ng mga tiwaling opisyal at kawani.

Nangako si Villanueva na isusulong ang de-kalidad na edukasyon, kabilang ang technical vocational education, paglikha ng trabaho at employment, at pagsusulong ng makatotohanang pag-unlad na nakabatay sa pag-angat sa antas sa buhay ng mamamayan. (Leonel Abasola)