NAGING big fan ng yoga ang Real Housewives of New Jersey star na si Teresa Giudice habang nakakulong at ngayon ay nagsasanay na siya para maging yoga instructor. Nitong Lunes, ibinahagi sa Instagram ng 43 taong gulang na reality star ang litrato ng isang grupo ng kababaihan, na may caption na,

“#nirvana#TeacherTraining2016 #adjustmentworkshop#authenticisthenewspritual.” 

Ayon kay Teresa, malaki ang plano niya para sa kanyang yoga career. “I want to come out with my own yoga DVD tape, my own yoga line. If you put out what you want, sometimes you get it,” aniya. “Never say, ‘I can’t do that,’ because then you’re already bringing yourself down.”

Nitong nakaraang Pebrero, ibinahagi ng reality star sa The Insider With Yahoo ang tungkol sa kanyang Zen prison workout. “I came to love doing yoga, which totally calmed me down in many ways, and it helped me with… not only my body, but with my mind,” aniya. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang asawa ni Teresa na si Joe, ay pumasok na sa kulungan nitong nakaraang linggo upang umpisahan ang 41 taong sentensiya nito.

“It was obviously a very emotional day, but this is a very strong family with a tremendous support system, and they will get through this, just as they did when Teresa was away,” ayon sa abogado ng pamilya. (The Insider)