Inaabangan ang muling paghaharap nina 16-time Rider of the Year Glen Aguilar kontra kay Bicolano Enzo Rellosa at pambato ng Mindanao na si Doy-doy Bandigan sa ikalawang yugto ng 2016 Diamond Motocross Series sa Abril 2 sa MX Messiah Fairgrounds, Club Manila East.

Walang kakupas-kupas, dinomina ni Aguilar (2-0) ang unang yugto ng Pro Open production matapos pakainin ng alikabok ang mga binatilyo noong ika-27 ng Pebrero.

“I’m here trying to make the pace faster for the next generation. There is actually nothing to prove but to make them strive more to improve,” ani Aguilar, Tinatawag din na ‘goat’ sa motocross, bagama’t kwarenta na, nananatiling matikas ang beteranong Aguilar sa bakbakan at hindi nagpapahuli sa bilis at liksi ng mga kabataan.

Sinurpresa naman ni Bandigan ang madla nang pumuwesto siyang pangalawa sa moto 2 at pang-apat sa moto 1. Samantala, umariba din si Jepoy Rellosa, kapatid ni Enzo, sa pro lites production laban sa FEU student Ralph Ramento at Mclean Aguilar, anak ni Glen. Inaasahang titindi ang tensyon sa Pro Lites sa pagbawi ng batang Aguilar matapos nitong hindi sinasadyang makaranas ng mechanical issues dahilan para hindi nito matapos ang karera. Ilan pa sa hinihintay na paghaharap ay sa ladies category na pinagbidahan ni Janel Saulog sa unang leg kontra kay Pia Gabriel ganoon na rin ang tumitinding bakbakan sa motocross legends Jolet Jao at Jing Leongson sa veteran class.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magpapatuloy din ang aksiyon sa executive open, amateurs open, kids 50cc at 65cc, open local umderbone, open local enduro, MMF Academy at ang newbie open para sa mga first timers sa isport.

“Nais din namin bigyan mg pagkakataon ang mga bagong manlalaro na maexpose sa laro at magamit nila ang natutunan nila sa MMF Academy. Ang lahat ng laro ay point system.,” pahayag ni Samuel Mark Tamayo, Director ng Generation Congregation.

Samu’t saring pakulo ang ihahanda ng mga isponsors sa pit party. Kasabay din nito ay ang concert blowout nina Firefalldown, Typecast at Imbue no Kudos. Ang ikalawa sa limang karera ay sinuportahan nina Diamond Corporation, Wheeltek, Dunlop tires, Coffee Grounds, Xtreme Adrenaline Sports Entertainment Co, PTT Philippines Corporation at Munisipyo ng Taytay.