Calauan_02_Estacio_290316 copy

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Isang biyuda ang binaril ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa suspetsang isa siyang mangkukulam sa Barangay Tamayo sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Lolita Castro, 60, residente sa nabanggit na lugar.

Nabatid na dakong 7:00 ng gabi noong Marso 24, nag-aayos si Castro ng mga paninda sa kanyang sari-sari store sa harapan ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang mga salarin at binaril siya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Tinamaan sa tiyan ang biktima, at ngayon ay patuloy pang inoobserbahan sa ospital.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala ng .40 caliber pistol, na agad ding isinumite sa Provincial Crime Laboratory sa Lingayen para sa ballistic examination. (LIEZLE BASA IÑIGO)