james at nadine copy

SIMULA nang i-announce ni James Reid, sa kanilang Araneta Coliseum concert ang pormal na relasyon nila ni Nadine Lustre, lalong naging mainit ang pagsuporta sa kanila ng fans.

Naniniwala ang netizens na tunay ang pagmamahal na ipinapadama niya sa kanyang ka-love team. As in, hindi ‘yun scripted. Katunayan, ayon sa half-Australian, half-Pinoy hearthrob, siya lang at wala sinuman sa mga kaibiga niya ang nakaalam na may announcement siya nang gabing iyon.

“As in no one knew. Even the director, Direk Paul (Basinillo), we were supposed to go down at the elevator, and I told him, ‘turn off the music for ten seconds.’ He asked me, ‘why’? And I said, ‘can you please just do it for me?’”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Maging ang kanyang pamilya ay walang kaalam-alam na may rebelasyon siya that night.

“I don’t want anyone else’s opinion to change my mind,” aniya.

Pagkatapos ng kanilang successful concert sa London at Milan, magiging busy silang dalawa sa kanilang latest movie na This Time na ngayong April na agad ang playdate.

Hindi naman maarte si Nadine sa pagsasabing inspirado siyang gumising sa araw-araw lalo na’t alam niyang magkakasama sila ni James sa trabaho.

“Masarap bumangon sa umaga because, uy, magkikita kami, magtatrabaho kami, ganyan. Mas masaya because gusto mo nga ‘yung trabaho mo, and then, magkikita pa kayo, di ba? Parang kumpletung-kumpleto ang araw mo,” kinikilig na sabi ng dalaga.

Ganoon din ang pakiramdam ni James, inspirado sa bawat araw dahil excited at in love.

“It’s different now because I look forward to going to work especially if you really go to taping days, really long hours, no sleep but I was actually excited to go to work because she can be there and I was sad on days that we have different schedules,” sabi ng binata.

First monthsary na nina James at Nadine nu’ng March 11, at marami ang umaasa na malayung-malayo pa ang mararating ng relasyon nila.

“When people say forever, it’s when you’re in love, it makes you feel like forever because you feel romantic. The idea that you can be like this forever, you could feel like this forever is so romantic. So that’s why I used the word forever,” sabi ni James sa hiwalay na panayam.

Pagkatapos ng showing ng This Time next month, sa Mayo naman ay tutungo ang JaDine love team sa US at Canada para sa second leg ng JaDine in Love World Tour. (ADOR SALUTA)