MAMAYANG gabi na, pagkatapos ng 24 Oras ang pilot ng Poor Señorita na pinagbibidahan ni Regine Velasquez sa direksiyon ni Dominic Zapata.  

Nang humarap si Regine sa presscon para sa kanyang bagong rom-com series, pinasalamatan niya ang GMA-7. 

“Thank you, GMA for giving me four years with my son. Malaking bagay sa akin to be a mother. Thank you for giving me enough time in molding may son. Thank you rin kay Direk Dom dahil hindi kami masyadong inuumaga sa taping.”

May cut-off si Regine tuwing may ginagawang teleserye, hanggang 2 AM lang siyang magti-taping dahil ‘pag lampas ng 2 AM, aatakihin na siya ng migraine at ‘pag nangyari ‘yun, hindi na siya makakapagtrabaho na mas malaking abala sa cast at production team.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ipinagpasalamat din ni Regine na binigyan siya ng GMA-7 ng creative freedom, kaya may bahagi siya sa production at nakikinig ang mga writer sa kanyang suggestion para sa mas ikagaganda ng Poor Señorita.

Susubukan ang love team nila ni Mikael Daez na hanggang sa presscon, hindi pa rin makapaniwala na leading man siya ni Regine.

“Nang unang sinabi sa akin na makakapareha ko si Regine, wala akong reaction. For ten minutes, naupo lang ako, nag-isip ako kung tama ang narinig ko. Naintriga ako then I called my manager and I asked her kung ano ang plano ng GMA-7 at bakit ako ang ipapareha kay Regine? Anong meron? After talking to my manager (Betchay Vidanes) at malamang may concrete offer nga, sabi ko, tanggpin mo na. I gave her the green light at ito nga nga, leading lady ko si Songbird,” may himig pagmamalaking sabi ni Mikael.

Special guest ng rom-com series si Dingdong Dantes bilang makaka-blind date ni Regine. Something went wrong sa blind date ng dalawa dahil si Mikael na kapangalan ni Dingdong at nagtatrabahong janitor sa hotel ng huli ang dumating sa blind date.

Si Mikael na rin ang naka-kissing scene at naka-bed scene ni Regine. Sabi ni Mikael, pinaghubad siya ng t-shirt at medyas ni Direk Dom, kaya naka-boxer shorts lang siya sa bed scene nila. (NITZ MIRALLES)