Opisyal nang magsisimula bukas, Sabado de Gloria, ang kampanyahan para sa mga kandidatong tumatakbo sa lokal na posisyon para sa halalan sa Mayo 9.

Inaasahan na kani-kaniyang gimik ang mga lokal na kandidato para mahikayat ang mga botante na iboto sila.

Salig sa ipinalabas na calendar of activities ng Commission on Elections (Comelec), ang unang araw ng kampanya para sa local posts ay nakatakda sana ngayong Marso 25.

Gayunman, hindi pa sila pinayagang magsimulang mangampanya dahil natapat ang petsa sa Biyernes Santo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo bilang respeto sa mahalagang okasyon ng mga Katoliko.

Magtatagal ang panahon ng pangangampanya sa Mayo 7, o dalawang araw bago ang halalan sa Mayo 9. (MARY ANN SANTIAGO)